Hilot Pampalaglag: Epektibo Ba ang Paghilot sa Matris?

Dahil sa mga napapanood sa TV o internet at impluwensya ng paligid, mas dumami sa ngayon ang mapupusok na kabataan na natutuksong makipagtalik bago ang kasal. Ang resulta, hindi ginustong pagbubuntis. Isa ka ba sa mga naghahanap ng para malalaglag ang sanggol na nasa iyong sinapupunan? Nagtatanong ka ba kung epektibo ang hilot pampalaglag? Basahin mo ang artikulong ito para malaman mo ang mga bagay nna kailangan mong malaman tungkol sa hilot pampalaglag. Sasagutin din natin ang tanong na kung epektibo rin baa ng hilot para mabuntis.

Mga dahilan ng pagkalaglag ng fetus

Bago natin malaman kung epektibo nga ba ang hilot pampalaglag o hilot sa matris, dapat maunawaan muna natin ang ilang aspeto ng pagbubuntis. Una, dapat mong malaman na ang aborsyon ay maaaring sinadya o hindi sinadya. May mga pagkakataon na ang pertilisadong itlog ay hindi nagawang kumapit sa matris ng nanay kaya wala itong kakayahan na lumaki at manatili sa matris, sa mga pagkakataong gaya nito, kahit na wala kang ginagawa, o napakaliit lamang ng magagawa mo upang pigilan ang pagkalaglag ng iyong dinadala. Ito ay ang tinatawag na spontaneous abortion.

  • Nagyayari ang napaka-agang spontaneous abortion kapag:
  • Ang nanay ay dumaraan sa pisikal at emosyonal na stress
  • Ang nanay ay 35 taong gulang na o mas mataas pa
  • Ang tatay ay 35 taong gulang na o mas mataas pa

Kapag nakunan ka ng napaka-aga, malamang na hindi mo ito mapansin at akalain mong na delay lamang ang regla mo.

Kapag ang pertilisadong itlog ay dumikit na sa matris ng nanay at magsimula nang lumaki, mararating nito ang sukat na kung saan ay mapapansin mo na nakunan ka. Para sa babae na hindi pa lalampas ng 35 taong gulang, mga 15 porsyento ng kanilang pagbubuntis ay nauuwi sa pagkalaglag. Sa mga babae naman na lampas nang 42 taong gulang, mahigit 50% sa kanila ang nakukunan. Sa muli, ang hindi sinasadyang pagkalaglag ng dinadala ay maaaring mangyari kahit na wala kang ginagawa. Pero ang tanong, pwede ka bang makunan kung magsasagawa ka o sasailalim ka sa isang hilot pampalaglag? Basahin mo ang susunod na paksa.

Epektibo ba ang hilot pampalaglag?

Napag-usapan na natin na wala o napakaliit lamang ng iyong magagawa upang hadlangan ang napipintong spontaneous aborsyon o hindi sinasadyang pagkalaglag ng iyong dinadala. Ang tanong, makakalaglag ba ang paghilot sa tiyan o sa matris?

Ang sagot ay ito:

Hindi maaaring makalaglag ng sanggol ang paghilot sa tiyan, o hilot pampalaglag!

Dito sa Pilipinas, ang aborsyon ay iligal kaya naman ito ang mga pamamaraan para dito ay hindi available sa publiko. Kaya naman dahil sa kanilang pagiging desperado, sinusubukan ng mga babae ang kahit na anong mga paraan para lamang matakasan ang kanilang pagbubuntis; pagpasok ng kung anu-ano sa pwerta, pag-inom ng kung anong mapapait, o pagsangguni sa mga manghihilot. Iniisip nila na kaya ng manghihilot na durugin ang sanggol sa sinapupunan.

Ang totoo, ang paghilot sa tiyan ay hindi naman makakadurog sa sanggol dahil sa ang matris at ang mga kalamnan sa palibot ng matris ay siyang sasalo sa pwersa o diin ng manghihilot. Kung nalaglag man ang sanggol pagkatapos ng sinasabing hilot pampalaglag, malaki ang posibilidad na ito ay malalag din lamang ng kusa dahil sa spontaneous abortion.

Sa Pilipinas lamang, mahigit kalahating milyon na ang naisusugod sa ospital dahil sa mga kumplikasyon na dala ng aborsyon. Sa muli, ang hilot pampalaglag ay hindi epektibo, gayun na rin ang anumang hilot na para mabuntis.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Hilot Pampalaglag: Epektibo Ba ang Paghilot sa Matris?
3 (60%) 1 vote

Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

I-CLICK NGAYON! TRENDING!