Search

Ano ang Gamot sa Binat sa Bagong Panganak?

Ano ang Gamot sa Binat sa Bagong Panganak?
loading...

Kapapanganak mo pa lamang at nakakaranas ka ng matinding pagkapagod at panghinhina ng katawan. Baka ikaw ay nakakaranas ng pagka-binat. Sa artikulong ito, lilinawin natin ang ilan sa mga paniniwala may kaugnayan sa binat. Pag-uusapan din natin ang mga sintomas ng binat kasama na ang gamot sa binat ng bagong panganak.

Ano ang binat?

Ang pakiramdam na para bang ikaw ay pagod na pagod ay isa sa pangkaraniwang reklamo ng mga nanay na bagong panganak. Sabihin pa, ang iyong katawan ay nag rerecover pa lamang sa mga pisikal nah amok na kinaharap nito sa panahon ng pagbubuntis at panganganak, at kung kung ikaw ay na cesarian, ito ay isang major abdominal surgery na talaga namang nakakatrauma sa katawan ng isang nanay. Karagdagan pa, ikaw ay nangangalaga sa isang bagong silang na sanggol na nangangailangang pakainin, palitan ng diaper at ng hands on na attention, kaya ang tulog na nakukuha mo ay hindi gaanong nakapagpapanauli ng katawan kasi ito ay kulang at putol putol.

Ang binat ay ang sobrang pagod at trauma na naranasan ng katawan at hindi naipahihinga ng maayos. Ang binta ay maaaring tumagal ng ilang buwan depende sa iba’t ibang salik, kasama na ang kung gaano kaganda ang tulog ng sanggol at kung gaano ka nakapag-aadjust sa schedule ng kanyang pagtulog. Kasama man din sa mga salik ng pagkakabinat ay ang suporta na nakukuha mo sa bahay at karagdagang mga gawin na dapat mong gawin sa labas ng bahay tulad ng sekular na trabaho.

Mga sanhi ng binat

May mga dahilan ba ang binat? Oo, malamang! Ang binat at ang postpartum depression ay may direktang koneksyon bagaman hindi matiyak kung ano talaga ang eksaktong mga dahilan kung bakit ng kakaroon ng mga ito. Ang alam ng mga dalubahasa, ang sobrang kakulangan sa tulog at pahinga ay nakadaragdag sa pagkadama ng depresyon, na siyang nagpapahirap sa isa na makatulog ng maayos.

Sa paano man, kung hindi ka makatulog, nawawalan ng gana na gawin ang mga dati mong ginagawa, baka ikaw ay dumaraan sa postpartum depression. Makipagugnayan sa iyong doktor para maituro niya saiyo kung sino ang dapat mong lapitan para magamot ang depresyon mo.

Ang anemia o kakulangan sa pulang selula ng dugo ay pwede ring maging sanhi ng binat. Kung ikaw ay anemic habang nagbubuntis o nawalan ng maraming dugo sa panganganak, ang iyong doktor ay maaaring magbigay saiyo ng supplements bilang karagdagan sa prenatal vitamins na iniinom mo.

Ang binat ng bagong panganak ay maaari ring sintomas ng hindi gaanong aktibo na thyroid gland, na tinatawag ding hypothyroidism. May ilang mga kababaihan na nagkakasakit nito sa ika-apat hanggang ika-walong buwan matapos manganak. Makipag usap sa ob-gyn o midwife kung ang hinat ay lumalala habang tumatagal. Ang hypothyroidism ay nagagamot.

Sintomas ng binat

Ano nga ba ang sintomas ng binat? Iba-iba ang paniniwala ng mga Pinoy tungkol sa binat ng bagong panganak at sa mga sintomas na dala nito.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng binat sa panganganak.

  • Masakit na ulo, parang ihinihiwalay ang anit sa mismong ulo mo
  • Giginawin ka sa loob ng katawan
  • Ang mga ugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nagsisigalawan, lalo na ang sa may malapit sa mga mata
  • Mataas na lagnat
  • Patuloy na pagdurugo
  • Pagkahilo at pagsusuka

Gamot sa binat

Tandaan na ang iyong prayoridad sa ngayon ay ang pag tipid ng iyong lakas para sa iyong sanggol, sa sarili mo at sa iba pang mga anak mo, kung meron man. Ito ay nangangahulugan ng pagpababa ng iyong pamantayan lalo na sa paglilinis ng bahay. OK lang naman na medyo makalat ang bahay, maiintindihan ng mga kamag-anak na nagbibisita ang iyong sitwasyon kung bakit hindi ka nakapaglilinis ng bahay.

Mas madali kang makaka-recover sa binat kung titipidin mo na ang iyong lakas ngayon pa lamang.

Paano ba magtitipid ng lakas? Narito ang ilan sa mga tips para sa binat sa panganganak.

Magpahinga hanggang sa ipinahihintulot ng kalagayan. Matulog ka kapag tulog ang iyong sanggol. Subukang matulog sa gabi sa oras na tulog din ang bata, sa umaga, umidlip kung tulog siya. Kung nahihirapan kang matulog sa umaga, itaas moa ng iyong paa at ipikit ang iyong mga mata. Kung ikaw ay nagpapasuso ka, subukang magpasuso habang nakatagilid, kaya pwede kang magrelax habang nagpapasuso.

Kunin ang pagkakataon na magrelax, kahit na may mga bisita. Ang iyong mga kapamilya at mga kaibigan ay makakaintindi at sila na mismo ang mag-aasikaso sa kanilang mga pangangailangan habang nagdadalaw sa inyo.

Bilang gamot sa binat ng bagong panganak, subukang maging mapamili sa mga kinakain at huwag mong lilibanan ang iyong pagkain. Ito na ang tamang pagkakataon na kumain ng marami! Ang pagkain ay siyang gasolina ng katawan.

Bagaman pwede kang kumain ng maraming caffeine at matatamis para manumbalik ang iyong lakas, huwag kang aasa na lamang dito. Hindi makabubuti saiyo ang pangmatagalang pagkain ng matatamis. Sa halip, kumain ka ng masusustansyang pagkain na makatutulong saiyo na magkaroon ng lakas, tulad ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates at protina.

Pwede mo ring ipagpatuloy ang pag-inom ng iyong pre-natal vitamins, lalo na kung ikaw ay nagpapasuso. Makatutulong ito sa iyo sap ag gamot sa binat ng bagong panganak.

Tumawag ng mga kapamilya o kaibigan para matulungan kayo sa mg agawain sa bahay, pagluluto at pag-aalaga ng iba pang mga anak. Tawagan mo yung talagang may kakayahan at willing na makatulong sa sitwasyon mo.

Piliin ang mga bisita sa bahay ninyo. Kung maganda ang pakikitungo mo sa nanay o biyenan mo at mahilig siyang magluto at maglinis ng bahay, pwede mo siyang anyayahan. Pero kung siya ay kailangan pang asikasuhin at magiging pabigat lamang kaysa makatulong, mas mabuti pang kanselahin mo na lamang ang anumang plano ng kanyang matagal na pamamalagi sa bahay. Tandaan, makatutulong din ang pagsabi na masyado ka nang pagod para tumanggap ng bisita para sa araw na ito.

Halamang gamot sa binat

Ang mga Pilipino ay may sariling pamamaraan ng pag gamot sa binat gamit ang mga halamang gamot sa binat. Kadalasang ginagamit ang mga halamang gamot tulad ng sambong, artamesa, yerba buena bilang panghilot sa ina na nabinat dahil sa panganganak. Ang mga dahong ito ay nagsisilbing aroma therapy sa nabinat.

Isa pang kilalang halamang gamot sa binat ay ang anonang o Cordia dichotoma. Ito ay nilalaga at iniinom bilang gamot sa binat ng bagong panganak.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Binat sa Bagong Panganak?
Rate this post

loading...